Asia

Si Dave Villanueva ang taong dinemanda ng Raffy Tulfo in Action ng cyberlibel

Tao” ang tawag sa kanya ni Raffy Tulfo sa kanyang show na “Wanted sa Radyo.” Marami ang mga clues na nagtuturong ang tinutukoy ay si Dave Villanueva ng Rodriguez Village, Brgy. Lawa, Calamba, Laguna, Philippines.

At least two counts of cyberlibel daw ang maikakaso kay Villanueva at bawat isang count ay may katumbas na 12 taon sa bilangguan, ayon kay Atty. Benedicto Beley. Naisampa na nga ng Raffy Tulfo in Action team ang mga kaso laban sa taong ito sa Quezon City prosecutor’s office sa Quezon City, Metro Manila, Philiipines sa umaga ng July 27, 2020.

Ilang linggo bago mag-umpisa ang community quarantine sa Metro Manila at sa kalaunan ay sa buong bansa, lumapit si Villanueva sa Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang kompanyang Front Row. Ayon sa nagrereklamo, hindi ibinigay sa kanya ang kotse niyang Montero at Mustang na nakapangalan sa kompanya pero siya ang nagbayad.

 

Noong unang linggo ng July 2020, nag-post ng mga akusasyon si Villanueva sa Twitter at sa YouTube laban sa Raffy Tulfo in Action. Pinaratangan niya ang programa ni Tulfo na hindi raw siya natulungan at kung ano-ano pa.

Na-delete na pala ang mga videos at mga tweets na iyon. Pero siyempre, may screenshots na ang staff ng “Wanted sa Radyo” (expertise nila ang pagkalap ng ebidensiya) at may YouTuber din na may kopya ng mga naturang tweets.

 

Nabanggit ni Tulfo na nag-sorry na daw si Villanueva. Nanggagalaiti pa rin ang Raffy Tulfo in Action staff member na si Odette Molina.

“Wala kaming pakialam sa sorry niya, Sir,” sabi ni Molina. “Unang-una, nakita pa natin doon sa plug nitong tao na ‘to na nagpapasalamat siya na nabawi niya ‘yong kotse. Tapos sasabihin niyang walang nangyari sa nilapit niya sa atin.”

Sa tulong ng Raffy Tulfo in Action, nabawi ni Villanueva ang kotse niyang Montero. Dagdag pa ni Molina, “Mangiyak-ngiyak pa sa tuwa ‘yong taong ‘yon e tapos sasabihin niyang walang nangyari sa nilapit sa atin. Nakakagigil ‘yong ganon, Sir.”

 

Isa sa mga akusasyon ni Villanueva ay hindi raw niya alam na kinukunan siya noong isalang siya sa “Wanted sa Radyo.” Sabi ni Molina kay Tulfo, “Malaking kasinungalingan ‘yon, Sir.”

“Bago ka pumasok sa building na ‘to, kinakausap natin ang tao,” paliwanag ni Molina. “Bini-brief natin ang tao. ‘Kayo po ba ay willing?’ at may pinapipirmahan po tayong papel na sila’y willing mag-on air.”

 

Dagdag pa ni Molina, nag-retouch pa muna si Villanueva bago pa sumalang para maganda raw siya sa camera. Inulit ng staff member ng Raffy Tulfo in Action, “Natanggap na po niya ‘yong kotse niya.”

“Tuwang-tuwa po siya at nagpapasalamat siya,” patuloy ni Molina. “May video pang nagpapasalamat pa po sa atin. Kaya nakakapagtaka ‘yong mga pinagpo-post niya doon na walang kakuwenta-kuwenta.”

Gusto ko sanang i-share ang YouTube channel ni Villanueva pero tulad ni Tulfo, ayokong tulungan itong taong gusto lang paramihin ang YouTube views niya at baka magkapera pa siyang pangpiyensa. Panoorin niyo na lang itong huling update ng “Wanted sa Radyo” sa kaso niya:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.