ENTERTAINMENT

[DANAS MUSIKA] Linggo ng Musikang Pilipino 2019: Ang enerhiya ni Wency Cornejo

Wency Cornejo

Wency Cornejo

[PAGLILINAW] Hindi ito isang rebyu ng konsiyerto. Isa itong pamamahagi ng aking danas na may kinalaman sa musika. Para sa akin, lahat ng uri ng sining, napapanood man, nakikita o naririnig, ay hindi nirerebyu kundi dinadanas. 

Matinding nostalihiya ang naidulot sa akin ng panonood ng kantahan nina Wency Cornejo, 52, Cooky Chua, 46, Dong Abay, 48, at Barbie Almalbis, 41, noong ika-28 ng Hulyo 2019 sa Historia Bar na matatagpuan sa 5. Sgt. Esguerra Avenue, Diliman, Quezon City, Metro Manila, Philippines. Nag-umpisa ang palabas dakong alas nuwebe ng gabi.

Halos bumabagyo sa labas. Hindi ito alintana ng mga Pinoy na sabik marinig at mapanood ang pagtugtog at pagkanta nina Cornejo, Chua, Abay at Almalbis. Bahagi ang apat sa mga bandang gumawa ng ingay noong 1990s at patuloy na nag-iingay sa kasalukuyan.

Naalala ko noong isa pa akong musmos sa Mountain Province kung saan ako nagtapos ng elementarya. Nag-uumpisa pa lang akong matutong tumugtog ng gitara at wala pang internet noon sa probinsiya. Kung kailangan namin ng kopya ng lyrics at chords ng isang kanta, sasangguni kami sa mga magasin na kung tawagin ay song hits.

Bahagi ang palabas na iyon sa mahigit 70 na mga palabas ng Linggo ng Musikang Pilipino 2019. Proyekto ito ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit at ng National Commission for Culture and the Arts.

Wency Cornejo

Naunang umawit si Cornejo. Kuwento niya, request niya talaga na siya ang maunang kumanta sa gabing ‘yon dahil dalawa lang ang kasama niya kaya mahihirapan siya kung ang susundan niya ang tatlo pang grupo na mga kompletong banda.

Makuwento si Cornejo. Marami siyang binabahaging kuwento bago at pagkatapos niyang kumanta.

Nalaman kong ang sikat na kanta ng AfterImage na “Tag-ulan” ay hindi pala talaga planong isama sa album ng banda noong 1994 na pinamagatang “Tag-ulan, Tag-araw.” Kaya nagulat siya na isa ito sa mga naging pinakakilalang awitin ng banda.

Binunyag din ni Cornejo na ang ginawa niya ang awiting “Habang May Buhay” bilang duet nila ni Chua. Kaya lang ay dahil sa magkaiba sila ng labels noon ay hindi nangyari ang kolaborasiyon.

Kaya mapalad kami ng gabing ‘yon sa Historia Bar dahil pinaunlakan ni Chua ang imbitasyon ni Cornejo na samahan siya sa entablado. Inawit nila ang “Habang May Buhay.” Harmoniya si Cornejo at second voice si Chua sa chorus. Nakatindig-balahibo lalo na at sa harap ako nakaupo, mga dalawang metro lang ang layo sa entablado. Heto ako at pinapanood ko ang sumulat ng “Habang May Buhay” at ka-duet niya ang umawit ng “Paglisan.” Dalawa ito sa mga kantang nasa song hits at ginigitara namin noon sa Mountain Province ng mga kapatid at mga pinsan ko.

AfterImage

Namayagpag ang AfterImage noong 1980s hanggang 1990s. Lead vocalist ng rock band si Cornejo.

Kasama ni Cornejo sa banda sina Chuck Isidro sa lead and rhythm guitar, Bobit Uson sa bass guitar, Rogie Callejo sa drums at Arnold Cabalza sa keyboards at backing vocals. Dati ring kasama sa banda sina Francis Reyes sa lead guitar at Niño Mesina sa bass guitar.

Narito ang ilan sa mga inawit ni Cornejo sa Linggo ng Musikang Pilipino 2019 sa Historia Bar:

“Tag-ulan”

“Next in Line”

“Mangarap Ka”

“Habang May Buhay” featuring Cooky Chua

4 replies »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.